The infatuation will always be there for Typecast. It's true. We asked.
Frontman Steve Badiola and bassist Chi Resurreccion will proudly let you know that out of all the music they released in their 25-year-long career, their 2004 sophomore offering The Infatuation Is Always There is and will always be their favourite. They were young and green as they hopped on buses and jeepneys from Laguna to Marikina to record with producers Raymund Marasigan, Diego Castillo, and Shinji Tanaka over the span of two months. And that was a time before Waze and Google Maps; when commuters actually had to ask for directions to get anywhere. It was a time before Typecast had any proper gear of their own and turned to borrowing a guitar and bass from Sandwich to pull off whatever you hear on the record.
Looking back, Badiola and Resurreccion only have fond memories to share from their days of skinny jeans and uneven haircuts. They were angsty hopeless romantics, escaping the hurt of a broken heart by writing songs that would one day make a huge impact on the local music scene. And this August, they're honouring the album that changed their lives forever by pressing it on vinyl for the first time.
Bandwagon caught up with Steve Badiola and Chi Resurreccion to give a rundown on what it was like working on their sophomore album The Infatuation Is Always There, the people they worked with, the cringe they feel now, and more.
'Another Minute Until Ten'
Steve: First off, ito yung pinakapaborito kong kanta! Ever! Kasi hindi ko na siya mauulit. Yung riff, the whole arrangement, bago siya dati. Meron akong mga pegs or mga nag-inspire sa akin na gawin yung riff, pero iba yung kinalabasan. Malayo siya sa original na idea and nagustuhan naming tatlo. Makulit kasi; madali lang siya gawin pero tunog mahirap. 'Yun ang naiisip ko, ha! Mapapa-wow ka, pero ang dali lang niya gawin. Yung feeling na tinutugtog ko. Hindi ko na maulit ang ganung vibe eh, personally. Kaya isang challenge, kailan kaya ako makakagawa ulit ng mala-'Another Minute Until Ten' na pakiramdam?
Laughtrip yan kasi alam ko mali yung song, kaya nagtunog mahirap siya siguro. Parang yung drums…Dapat mas kanto doon sa guitars pero hindi, pero at the same time mali pero tama. Parang gano'n. Happy mistake, nagwork, ‘di na namin ginalaw nung narinig na namin na pwede. Maganda yung kinalabasan. Wait…ano nga ba lyrics nito [checks online]?
Are you googling your own lyrics?
Steve: Yes! Uhhh… Oh. Shit, ayaw ko ikwento ‘to. Well… Tungkol sa know-it-all. Kumbaga na hindi siya galit na kanta eh, pero parang just a reminder na I know what you are, parang gano'n.
Chi: Para sa akin, magic yung ‘Another Minute’ kasi of all the tracks that we recorded in that era, stand-out siya eh. Ang daming nangyayari. Magic siya without us realizing na mayroon tayong na-create na something beautiful, something influential—yung sinasabi ng mga bata, kasi paborito ng mga bata ‘yon eh. Yung unang narinig nila ‘yon, sabi nila it’s something new, it sounds foreign. Yeah, it’s a magical song! Nagreresonate din yung mga influences namin growing up in the scene. It resonates with our personalities all together during that time. It’s the perfect reference to that era.
Accidental prog siya eh. Hindi naman namin intention na gano’n eh. Kung iisipin mo, nakakaoverwhelm yung riff, yung flow. Pero simple lang siya. Organically, it worked out for us.
You wanna move on to the next song?
Steve: YES PLEASE!!!
'Breathe Through the Glass'
Are you googling the lyrics again?
Steve: Yes [laughs]. What? Sinulat ko ba ‘to?
Are you cringing?
Steve: A little bit. I mean… yes… Ang hirap na magpaliwanag nito. Hindi ko na maalala why. Ano ‘to, todo ka-emohan ‘to. So, yes, ito yung medyo ranty na song for me. Kasi siyempre, sa edad mo na ‘yun, mas passionate maging galit sa mga nangyayari sa’yo at sa mga karelasyon mo sa buhay, which is hindi maganda. Naiinis ako sa mga kanta ko dati. Kasi ibang tao na ko. Parang okay, ganito pala ako dati. Magandang reflection ‘to sa akin.
Chi: Ang pinaka-memorable sakin with that song…ibang tuning sa album na ‘yon. Drop D siya, below standard tuning. Noong time na ‘yon na-discover natin ‘yon parang, “Sobrang lupit nito! Ang bigat!”
Steve: Dalawang kanta naka drop D dito. ‘Breathe Through the Glass’ at ‘Guilt Kill’. Parang palaman na lang na kanta ‘to eh. Siniryoso ba natin ang kantang ‘to? Hindi masyado eh. Medyo relax lang yung song na ‘yon eh. Ranty pero relax.
Chi: I remember the recording process of that song. We recorded that song sa kwarto nila Rayms, except yung drums. Yung process, nakaka-overwhelm kasi dati gusto lang magbanda kasi ako, first time ko maka-experience ng recording session and to think na yung kasama mo sa recording si Raymund Marasigan, na parang “Oh shit!” ako. The pressure! Parang nawala yung confidence ko kasi ang galing ng producer mo eh. Kahit may gusto akong gawin, parang nakakahiya gawin kasi sobrang galing nitong mga nag-rerecord sa amin.
Steve: Pero masaya!
Chi: Masaya siya! Experience. Learning curve siya, but it was worth it. Worth it yung effort namin papunta doon. Dati nagcocommute kami papunta doon eh, nagbubus kami from all the way to Laguna.
Steve: Tapos Marikina ‘yon. Hindi tayo sanay sa Marikina eh.
Chi: Tapos sinusundo pa tayo ni Rayms sa Riverbanks.
Steve: Sabi kasi niya nakakaligaw papunta sa kanila.
Chi: Wala pa Waze noon, wala pa Google Maps. We just asked around since we commute a lot. Atsaka wala rin kami gamit. Nanghiram kami ng instruments sa kanila. Yung ginamit kong bass, bass ni Myrene ‘yon eh. Sandwich gear ‘yon! Nakakahiya talaga, pero ang saya talaga!
Steve: Nakahawak tayo ng mga magagandang instrumento noong panahon na ‘yon.
Chi: Feeling pro.
Steve: Kung dadalhin namin yung gamit namin, walang kwenta.
Chi: Pangit talaga. Siguradong tunog papel.
Steve: Buti na lang talaga pinagamit nila yung gear nila, kasi recording yan. Alangan naman maglagay ka ng…yung SG ko na maraming sabit. Walang setup. Wala sa tono. Anong gamit mo noon, Chi? Ano pa lang ‘yon, Raon na gitara ‘yon eh.
Chi: Oo, dumalaw ako sa Raon para bumili ng bass na fake na Jackson. Tapos ikaw may SG ka nagamit na—
Steve: Na durug-durog na! Walang setup ‘yon! Buti na lang talaga pinahiram nila Rayms. Na-in love sa Thunderbird ‘to si Chi.
Chi: Oo! Masyadong wild yung shape. Mukha kang magaling pag hawak mo yung bass na ‘yon.
Steve: Aesthetic eh!
Chi: Dami talaga story yung album na ‘yon. Looking back hindi ko maimagine na nagawa natin ‘yon, na-achieve natin ‘yon.
Twenty years later, how does it feel looking back?
Steve: Parang kung makakausaup ko ang sarili ko, gusto kong sabihin, “you don’t need to sweat the small stuff.” Pero siyempre ibang tao ka twenty years ago. Parang gusto ko lang sabihin, “Dude, get your shit together!” Love song pa rin siya pero yung pagiging bitter… So yeah.
'Escape the Hurt'
Steve: [Sings riff of the song] Okay, basahin natin [checks lyrics online]. Ohhh… Brings back memories ah! Note to self ‘to eh. Yung nagagawa mo pero hindi siya enough. So parang kinakausap mo sarili mo na gano'n. Na humihingi ka ng tulong sa sarili para ma-fix mo stuff na nangyayari, so…shiiiiiit. Oh my god. Anyway…
Do you want to give 20-years-ago Steve a hug?
Steve: Nah. A slap [laughs]!
Chi: Yung time na ‘yon, may emo label na Deep Elm Records, ‘yun yung parang holy grail of emo.
Steve: Yung hindi pa post-rock yung pinopost.
Chi: Somehow ‘yun yung naging fuel namin to write that song.
Steve: Hanggang ngayon eh. Hindi siya nawawala eh, yung Deep Elm vibe.
Chi: Para sa amin, relevant pa rin siya. We still vibe with it, so thank you, Deep Elm Records.
'Assertion'
Steve: Yung ‘Assertion’, yung drummer namin dati nagsulat. Tulad nito, may nakaready na ko. Kasi dati, wala akong ginagawa kundi mag-gitara. Marami akong naka-ready na riff na pwedeng mag-start nang kanta, so ito ‘yun. Tapos inedit ko sa Nueva Ecija. Tapos una ko naisip, ang haba ng kanta so kailangan ko i-cut down. Ang haba ng song eh! Haba ng lyrics, siguro five verses. Pinaiksi ko into two verses para maging proper song, hindi magtunog 'Bohemian Rhapsody'. Proper na simple na kanta. Medyo punk yung song. Simping. Medyo simping yung kanta. Well, bata pa naman kami noon. Kumbaga, hindi kami masyado lapitin so we have no idea so nagreresort kami to simping [laughs]. Nahihiya ako.
Chi: Paborito kong tugtugin yang ‘Assertion’ kasi madaling tugtugin ‘tas sarap siya i-rock out kasi konti lang yung chords ‘tas hindi mo kailangan mag todo-todo sa frets. It’s a fun song! I love that song!
Steve: It’s a fun sad song [laughs].
'Clutching'
Steve: Love story ‘to. Medyo bitter. Medyo straight forward naman yung song na ‘to, so pagbinasa ng lahat ang lyrics, magegets naman nila yung idea. Nag-ccringe ako dito ah. Nahihirapan ako dito sa ginagawa natin [laughs]. Kumbaga ending a relationship ‘to eh. Yung mga nakaranas nito, makakarelate and I’m sure marami kasi yung mga nakikinig sa amin, gusto nila yung song na ‘to kasi nakaka-relate sila. It’s the end of a relationship, itong kantang ito.
Chi: We still play it. Paborito ng crowd yan kahit hindi naging single yan. Daming nagrerequest, usually yung mga lumang tao—lumang emo [laughs].
Steve: Brings back memories siguro sa kanila. And ano, isa sa mahihirap na kanta sa album.
Chi: For you.
Steve: Vocally.
Chi: Kasi ang taas nun diba?
Steve: Yan yung gauge ko kung maganda, well-rested yung boses ko, ilalagay sa setlist. Kung hindi, pagod na, “‘Wag natin tugtugin. ‘Di ko kaya." Mahirap siya na song.
Chi: Pero sobrang emo rin yung kanta na ‘yon. Parang ito yata yung emoest of all emos sa album na ‘yon.
Steve: Eh, actually lahat malungkot eh.
'The Infatuation Is Always There'
Steve: Sinasabi ko ‘to live, kumbaga dati pang crush yung kanta na yan.
Maraming mga makukulit na parts. Noong ni-record namin ‘to kay Shinji, ano kami, sinasabayan namin yung drums. So we play. Wala kaming metronome. Makulit doon, marami kaming bagsakan sa mga kanta kung mapapansin mo, marami kaming mga weird pauses. Sorry kay Rayms, pinasakit namin nang onti yung ulo niya, kasi yung mga bagsakan namin hindi bilang. Susunod kami kung ano gagawin ng drums na walang metronome, so maraming makukulit na nangyayari. Well nakakatawa kasi problem solving kami nila Diego, Rayms, Chino–“Paano gagawin natin dito?” Mali yung bagsak, masyadong maaga, o kung tama man, iba yung feel na kasi ibang araw na ginawa so hindi gaano kadikit pero nadikit namin.
'Out Comes the Brave'
Steve: ‘Eto ‘Out Comes the Brave’ ranty din na song. Parang malapit siya sa ‘21 and Counting’. Ngayon ko lang narealize na mostly ng mga kanta sa album, lagi kong kausap yung sarili ko.
So, reflection siya.
Steve: Yes, parang gano’n. Parang therapy siya sa akin dati. Tapos yung recording nito masaya rin, parang natatawa ako kasi parang sinabi ni Raymund noon mayroon nakuhang vibe doon sa effects kaya kung mapapansin ninyo may mga effects yung boses parang may naisip siya nang Radiohead vibe, 'yon yung naaalala ko. Tapos tinry niya maglagay ng effects sa vocals at 'yon yung nakatulong sa kanta. Maganda yung effect sa song at mas naging darker yung vibe sa inadd ni Raymund na ‘yon. Makulit ‘yon.
'Last Time'
Chi: Crowd favourite yan eh. Parang hindi kumpleto yung set pag walang ‘Last Time’. Hindi ‘Boston’, hindi ‘Will You’. ‘Yon yung una kong sali sa inyo bes
ides ‘Forget’. Nagmarka siya sa akin personally.
Steve: Yung recording namin noon ng ‘Last Time’ mayroon kaming nakain noon—wala pa si Chi noon—yung studio ni Jett Pangan, yung drums, nagpunta kami kanila Noel, in between noon, nag-lunch kami ‘tas yung kinain namin…nag-LBM kami paguwi. Tapos may isang nangyari sa Typehouse—kami na si Chi, si Pakoy na—tapos may kinain tayong bopis—bopis din kinain namin dati. Nagtae kaming apat. Bopis is kalaban.
Chi: Nagkatrauma ako sa bopis noon eh.
Steve: Namutla na si Pakoy at si Melvin (Macatiag) kasi agawan kami sa toilet. Ang sama ng pakiramdam.
Chi: Sukang suka ako noon eh. Na-food poison tayo noon.
Steve: Turo-turo ‘yon eh.
'21 and Counting'
Steve: About adulting. Reality check yan for people na niraramdaman ko noon. Straight forward, kumbaga, ang hirap ipaliwanag pag medyo matalinhaga yung pagkakasulat. It’s up to the listener’s interpretation. Basically, it’s about growing up.
Chi: I think may mali yung kanta na ‘yon. Naalala mo yung huling part na akala ni Melvin tapos na pero hindi pa?
Steve: Teka [plays song].
Chi: [Sings riff] Parang nagdadalawang isip kung tatapusin o hindi tapos tinuloy na lang. Pakinggan mo! May parang delay! Tapos hindi na siya binago.
Why did you keep it as is?
Steve: Feeling ko pinatuloy sa atin ni Raymund kasi tutunog bitin kung pinutol natin. Wow, ngayon ko lang naalala! May naalala akong isang recording ng vocals, hindi ko alam anong song, parang nasa gitna ako ng isang birit ng high note, isang high note na malakas, tapos biglang pumasok si Atari. Sobrang liit pa ni Atari noon. Chikiting pa. Parang mga three or four-years-old pa lang yata siya? Bigla siyang pumasok para kulitin yung daddy niya. Nagulat din siya eh!
DIY yung recording namin, lalo sa vocals. Yung ginawa ni Raymund, nagdala siya ng mattress tapos nasa likod, nakatayo against the wall. ‘Tas andoon yung mic, andoon ako nakapwesto. Sobrang DIY ang saya.
Chi: Pero feeling mo pro musician ka no? Parang gano’n yung pakiramdam.
Steve: Yung recording process is by batch. Bumabalik-balik kami sa bahay. Maayos naman yung pinagsasabi namin [laughs]?
Of course, it’s great stuff!
Chi: Feeling ko nagchichismisan tayo eh [laughs].
'Wait'
Chi: Oh, maganda yan. Paborito ko rin yan, pota. Dami ko palang paborito, pota!
I like how everything is your favourite.
Steve: Ito yung pinakapaboritong kong album, Chi, diba?
Chi: Honestly, ako rin. Kasi ano siya… virgin, inosente pa sa mga bagay-bagay. Uncompromising siya in a way na walang major label.
Steve: Isa pala ‘to sa mga luma. Alam mo ‘yon, Chi, sa basketball court? Yung lumabas sa YouTube? Sa Pacita Astrodome. Tinutog namin ‘to pero hindi pa tapos. So parang eighty-percent finished pa lang siya. Nagkalat kami doon sa video ‘yon eh. As in nagsisigaw lang, tapos may isang nagigitara sa amin na kaklase ni Melvin noon, si Ronwald, wala siyang idea doon sa kanta. Parang nilaglag namin sa bus, parang yung itsura niya, “What the hell? Ano ‘to? Hindi ko alam kanta na ‘to!” May mga parts na ‘di na siya nag-gigitara. Tumitigil na lang kasi hindi niya alam yung kanta.
Chi: Alam ko andoon ako noon eh!
Steve: Nakita pa kita noon. Nagpipicture ka noon eh. Si Big Daddy pa nagbebass noon. Nag start nang masulat yung ‘Wait’ bago ma-finalize na lang yan sa Nueva Ecija. Medyo jam yung kantang ‘to. Binigay ko na lang yung chords sa’yo, Chi, tapos bahala ka na tumugtog.
'Scars of a Failing Heart'
Chi: Yung kanta ni Melvin, no? May ma-eemo pa ba diyan?
Steve: Na-cricringe ako. Tapos sa sobrang emo ng kanta, noong panahon na dumagtag si Pakoy, mayroon kaming inside joke dito.
Chi: Parang filler lang siya, no? Acoustic lang siya; hindi siya full band.
Steve: Makikita mo na sobrang daming verses pag siya yung nagsusulat. Alam ko, binawasan ko na rin ‘to eh, pero mahaba pa rin. Mahilig siya sa gano’n. Kaya nasanay nga kami sa Deep Elm, usually yung mga favourite naming artist, kumbaga ang mga verse nun, dalawang linya lang. Minsan yung pinakamahaba na is four lines per verse. Tapos papasok yung ‘Assertion’ na sobrang daming verse. Hanggang ngayon, nakuha ko pa rin yung shorter verses. Ang mahaba lang is yung title.
'Guilt Kill'
Steve: ‘Eto yung first kong sinulat na galing sa movie na inspiration. Yung mga nakapanuod ng Sweet November ni Keanu Reeves and Charlize Theron, may scene doon na, mayroon silang game na close your eyes na something-something, gumawa ako ng story based doon. Yung last scene nila. Ayun, sobrang emo lang. Tapos yung recording process, naglagay si Raymund ng strings at piano.
Chi: Alam ko noong naguusap tayo nila Rayms noon, parang yung ginawa nila sa ‘Huling El Bimbo’ sa outro. May instrumental strings.
Steve: Ang outro nila sa ‘El Bimbo’ is parang big band eh. Sa atin mas strings naman. Na-gets naman agad yung vibes ng kanta. Naaalala ko gustung gusto ni Mong at Diego yung [sings riff].
Chi: Yung guitar melody. Ang ganda nga nun.
Steve: Dahil tatlo lang kami noon, usually yung ginagawa ko is… pag nagrerecord kami dalawang gitara eh. Guitar one, guitar two para mapuno. ‘Tas naging problema paano tugtugin live, kaya ang nangyari, so yung mga overs sa gitara nagtutunog dalawa para lang mapuno yung tunog. At nakatulong siya sa live. Isa sa nagpastart na para gano’n yung diskarte. Kung makikita mo daliri ko dati, buhol-buhol, kasi kailangan pang dalawang gitarista; three-piece lang kami noon. Masaya yung recording namin. Ano nga pala yung food natin noon, Chi? Naaalala mo?
Whenever we go to Rayms’s house, he always gives us pandesal. Genesis Pandesal!
Chi: Oo, nag-pandesal kami noon. May time na nag-pandesal tayo! Hindi ko alam kung Spam o MaLing.
Steve: MaLing! MaLing! MaLing, Chi!
Chi: I think kumain din tayo sa kanila na…hindi ko alam, pero may luto doon!
Steve: May naaalala ako! Pero Calamba na ko nakatira, naalala ko gagawa kami ng album cover, so ginawa ko is nagsunog ako ng paper para magmukhang parchment na luma. So ginawa ako ng kape sa ibabaw para magkaroon ng effect na parang luma. Tapos inilagay ko sa stove para mag brown and mag dark. ‘Tas pinagalitan ako ni Mommy noon eh. Kasi nakita niya nag-aano ako ng papel sa stove, so nakakatakot. Nag-drawing ako sa paper ‘tas ko sinunog.
What did you draw?
Steve: Basta kung anong mga scribbles lang ang nandiyan.
And the blood?
Steve: Yung blood is red crayons na tinunaw tapos dinrip sa paper tapos scan.
Chi: Malamang pinaghihinalaan ka pa ng nanay mo, “Anong trip nito?”
Like what you read? Show our writer some love!
7