IV Of Spades' CLAPCLAPCLAP!: A track-by-track guide

IV Of Spades' CLAPCLAPCLAP!: A track-by-track guide

Estimated:  reading

IV Of Spades have delivered their debut album with CLAPCLAPCLAP!, packed with 15 tracks that expand the band's horizons in songwriting and musical growth. It features the tracks 'In My Prison,' 'Bata, Dahan-Dahan!,' 'Take That Man,' and 'Bawat Kaluluwa,' and is only a taste of what else this trio will serve up in the future.

We sat down with IV Of Spades to talk about each track on CLAPCLAPCLAP! and how these songs were made.


CLAPCLAPCLAP!

Zild: Last day ng recording siya nagawa.

BANDWAGON TV

Blaster: Siya yung last song na na-sulat namin.

Zild: Song eh noh? (laughs)

Sweet Shadow

Zild: Isa ba to sa mga unang-una [natapos]?

Badjao: Hindi, gitna siya.

Zild: Naalala ko kasi nung ano… kailan pinalabas yung Mamma Mia!? Napanood ko tapos ang ganda nung soundtrack. Mamma Mia! Tapos 'Dancing Queen'…

Badjao: Nasa car kami ni Zild nun eh. Puro ABBA yung patugtog namin.

Zild: Tapos gusto ko gumawa ng parang ABBA. Kaya na-inspire ako. Gusto ko yung parang kanta nakaya ganun yung intro kasi ini-imagine ko na nag-lalabasan per bahay yung iba’t ibang klaseng tao (makes piano sounds).

Badjao: Tunog [musical] play…

Zild: Tunog curtain call sa teatro ganun na parang… “Thank you! Thank you!” (mimics bowing to crowd) So yun, tungkol siya sa… shadow.


Bata, Dahan-Dahan!

Zild: Ano lang yan eh, may nakausap ako na bata sa church. Kasi di nako nag-cchurch tapos sabi niya [sakin], “Kuya Zild, why I’m not seeing you anymore?” So parang natuwa ako sa innocence niya. Kaya ayun, nag-buo yung 'Bata, Dahan-Dahan!' dahil parang kinakausap ko yung inner child ko na mag-dahan-dahan lang. Yun, tapos na. Biglang, yung waltz part na yun, iba dapat yun eh! Tapos sinuggest ni Badjao na “Paano kung gawin mong waltz yung bridge?

Blaster: Tinawanan namin lahat nung una. Sabay seryoso pala siya

Badjao: Tinawan nila ako.

Blaster: Natawa lahat tapos ako akala ko seryoso… Paniwalain ako sa ganyan.

Zild: Kala niya seryoso. Ako, binibiro ko nalang.

Zild: (sings waltz sounds)

Blaster: Sabay biglang, “Why not???”

Badjao: Tinawanan nila idea ko.

Zild: Tapos ayun na, na-buo na yung whimsical part. Isa yun sa mga nag-drive sa album na puwede mag-karon ng piano sa kanta.

Blaster: Yun nga yun una.

Badjao: Oo nga! Yun yung una. Na-open tayo sa mundo na mag-dagdag ng element na ganun.

Bandwagon: So who plays the piano [parts]?

Badjao: Si Zild!

Zild: Basic piano! Grade 1!

Blaster: Level 1

Badjao: Noob

Zild: Beginner’s piano.


Bawat Kaluluwa

Zild: Connected siya sa 'Bata, Dahan-Dahan!' Pero hindi ako alam kung anong nauuna. Yung 'Bata…' or yung 'Bawat.' Bahala na yung listener. Kung yung 'Bata,' parang advice, yung 'Bawat' yung void sa loob mo na wala na. Na wala ka nang magagawa. Negative lang siya pero masaya siya pakinggan.

Badjao: Tinago namin yun.

Zild: Saya kasi eh! Para siyang yung, alam mo yung mask? Yung happy and sad? So yung lyrics yung sad, pero yung tunog…

Badjao: Feeling happy.

Zild: Tapos may piano ulit yung bridge. Tapos yung chorus nun iba dati!

Badjao: Basta iba dati yung chorus nun.


Not My Energy

Zild: Nagsimula yan sa line ni Blaster na “I’ve run out of reasons to comfort my mind”

Blaster: Kaya ko nagawa yung line na yun kasi yun yung month na nag-Arctic Monkeys phase ako. Kaya parang feeling ko ang angas ko ah! So gumawa ako ng maangas na line.

Badjao: Tungkol saan ba yung line na yun? Diba tayo nag-uusap nun?

Blaster: Ah! Tungkol sa… basta bahala na!

Badjao: Diba!!! Yun yun!

Zild: Wala ako dyan.

Blaster: Tungko yun sa… bahala na… Pero inspired yun dun. Yung melody nun dati hindi pa falsetto, para pa siyang…

Zild: Falsetto siya dati!

Badjao: Lahat falsetto, tapos nung nag-rerecord na kami… usually nagbabantayan kami. Hindi siya bagay, ay hindi siya okay. Kantahin mo nalang ng mas mababa.

Zild: Basta tungkol siya sa ano, may isang bagay na sinasabihan mo na hindi yun yung kinakapitan ng lakas mo. Yun lang. You’re not my energy. Tapos ano, glam rock yung guitar solo… tunog Wreck It Ralph!


Come Inside of My Heart

Blaster: Nasulat ko yan kasi ang daming nagagalit sakin. Magulang ko… basta, lahat ng nasa paligid ko. Hindi kasi ako sweet, hindi ako open na parang…

Zild: Hindi siya affectionate.

Blaster: Oo! Hindi ako ganun kaya parang akala nila “Wala ka bang paki samin, Blaster?” Tapos nasa isip ko, “Hindi, kailangan niyo lang akong pilitin. Sweet naman ako sa inyo, kaya 'Come Inside of My Heart' nalang. Ganun yung verse nun diba? Tatawagan lang kita pag gusto mong tawagan kita. Mahiyain ako eh.

Badjao: Na-in love ako sayo, ‘tol.

Zild: Masaya i-record yan kasi yung guitar solo sa dulo, hindi siya planned.

Badjao: Actually, lahat yan spontaenous. Yang kantang yan. Inexplain lang sakin ni Blaster, naalala ko. Inexplain niya lang sakin na “Ganito yung idea ko.” Sabi ko, “ah okay, okay.”

Blaster: Siguro yan yung tuloy-tuloy na na-record sa album. Pagka-dating sa studio, “O eto, eto!”

Badjao: Mabilis.

Blaster: Ito yung pinaka-less yung “Ano kaya?” Yung tulala time. Ito yung pinaka-tuloy-tuloy.

Zild: Kasi yung main carrier ng kanta talaga yung melody. Dati ko pa naririnig sa kanya yun eh. “San mo gagamitin yan ‘Ter?” Sabi niya, “Hindi, hindi. Hindi sa Spades!” Sobrang Blaster yung flow ng melody.

Blaster: Nasulat ko yang kanta na yan kasi na-inspire ako may nagrelease ng album nung araw na nasulat ko yan. Tapos naisip ko, “Hala, kaya ko ba mag-songwriting? Kaya ko pa ba kaya?” Tapos biglang ayan. Yan yung nagawa ko. Nasulat ko yan habang naglalakad ako sa Eastwood. Manonood kami ng movie. That’s it. (laughs)


The Novel of My Mind

Zild: Matagal na yan!

Badjao: Intro ng show namin yan.

Zild: Kaya yan kasi nung ginagawa ko yan, wala lang parang ang sarap nya lang pakinggan. Tapos parang sound design lang siya. Ganun yung vibe. Di mo siya maintindihan pero papakinggan mo lang yung mga nangyayari. Pero hindi mo gets. Pero okay lang.


Dulo Ng Hangganan

Badjao: Yung melody, ang hirap nyan. Sobrang hirap nyan.

Blaster: Ang pinaka-una na nagawa diyan yung intro. Dati na siyang guitar riff.

Badjao: Ah, ginawa natin yan!

Blaster: Na-arreglo na yan noon mga three years ago.

Badjao: Three years old na yan! Tapos aggressive siya dapat (sings guitar riff).

Blaster: Rock siya parang Kings of Leon rock. Ganun yung feel niya.

Zild: Four piece pa!

Blaster: Four piece pa kami nun, kaya alam nya yun. Tapos last year, naisip ko, sayang naman yung guitar riff na yun. Mawawala nalang ba?

Badjao: Ang ganda kasi eh.

Blaster: Triny ko gawan ng song. Nauna dun yung verse and pre-chorus. Nagawa ko muna yung verse, tapos hindi pa kumpleto. Meron kaming tugtog sa Cam Sur. Sobrang haba ng biyahe, Eight hours.

Zild: Naalala ko, kaya naisip yung line na “Sumabay ang luha sa indak ng alon” kasi may nadaanan kaming mahabang dagat. Parang sumasayaw yung alon ah!

Blaster: Ano yung “cool” word ng sayaw? Ah, indak.

Zild: Parang konektado dun sa alon kasi parang umiiyak yung alon. Basta ma-drama nung panahon na yun.

Blaster: Ma-drama kami nun kasi ang haba ng biyahe. Sobrang haba parang… (makes crying sounds) Gumawa nalang kami ng heartbreak story kahit wala naman. So natapos namin yung verse and pre-chorus, pinarinig na namin sa studio. Plano namin na wala siya talagang chorus. Hanggang sa pinilit kami ni...

Zild: ...ni Brian Lotho of Sonic State Audio.

Blaster: Yun sabi nila, “Maganda na yung song eh. Pero mas gaganda pa yan kung lagyan mo ng chorus.” Months! Bago nagawa yung chorus. Tungkol siya… parang yung partner mo alam mong kayo pa pero di na tutuloy… Yung bolahan nalang. Pero kayo pa.

Badjao: Bulag-bulagan nalang. Ganun talaga eh.

Zild: Yan yung kanta na lahat na-record na pero yung drums two weeks na hindi pa din.

Badjao: Sobrang hirap kasi eh.

Blaster: Inuuwi namin yung drum track.

Zild: Naka-tatlong demo kami diyan eh.

Badjao: Tapos na yung drums, tapos pinipilit nila ibahin. May iba silang ideas, so gusto nila ibahin.

Blaster: Nung una, pinagsama yung drum track at tsaka yun, di talaga magka-match.

Badjao: Eh yung drum track, ayaw na ipaiba nila Brian kasi

Zild: Wala nang oras!

Blaster: Bukod sa walang oras…

Zild: Iconic na yung drums! Sa experience ko sa recording yan yung kanta na di hindi ko nakikita yung light, parang nasa tunnel ako. Paano kaya ‘to matatapos?

Bandwagon: Is this the song that took the longest to finish?

Zild: Isa to sa longest [na natapos].

Badjao: Eto yun. Kasi two weeks, hindi pa din tapos. Ang dami na namin natapos. Eto yung pinaka-depressing na song eh.

Zild: Patapos na yung album, eto nalang yung nag-aantay.

Badjao: Yung mukha ng producer namin, ano, totoo. Makikita mo yung disappointment sa mukha niya.

Zild: So kami, “Hala, paano yan?”

Badjao: Kasi pinagagawa kami ng homework nyan eh. “O, gumawa dapat kayo ng ganitong mga melody for the song.” Pag tapos ng araw, naka ganun na siya. (Cups chin with one hand, makes sad face) Sobrang disappointed siya.

Blaster: “Nag-sayang ako ng oras sa inyo!,” sabi niya.

Badjao: “Sayang ang oras natin.”

Zild: Kami rin!!! JOKE LANG (laughs)!

Zild: Umabot na kami sa dulo ng hangganan (laughs).

Badjao: Yun yung dulo. Hardest song [to finish] sa album namin.


In My Prison

Zild: Instrumental yan nung una eh. Kumpleto na yung instrumentals nyan. Halos yung buong kanta. Tapos biglang, sinulatan na namin sa bahay. Yan yung unang kanta na ni-release namin as [a] trio. Pero natutug-tog na namin siya noon. Ito yung una na tinutukan namin as a trio, kasi ang ganda ng kanta. Yan yung connected din sa iba namin kanta tulad ng 'Sweet Shadow.'


My Juliana

Blaster: Nasa Cam Sur din tayo niyan! Pero ibang month. Months after… Ganun din yan, parang 'In My Prison.' Medyo tapos na yung instrumentals.

Zild: Diba tatapon na yan? Nasa trash bin na yung file.

Blaster: Sabay parang ganado kami.

Zild: Plinay ko lang.

Blaster: Tapos sabi niya (gestures to Zild), “Delete ko na ‘to! Ang baduy eh.” Tapos sabi ko, “Wag! Wag! Wag! Sayang! Magagamit natin yan!” Biglang nagsisi-hum na kami. Parang mga sisiw na nag-huhum.

Zild: Tapos pinarinig namin kay Badjao. Tapos, masaya na siya. Yung ang pinaka-masaya dun. Kung masaya na agad si Badjao. Ibig sabihin okay yun. Mahirap kasi siya i-please eh. WHICH IS GOOD. Kasi kung mabilis siya i-please… O, nilagyan mo ng gatas yung kape ko!

Badjao: Sorry, sorry! Akin nalang sana

Zild: Yun yung isa sa mga kanta na kami ni Blaster…

Badjao: Una kong rinig sa kanya, ang sarap na nya sa tenga.

Zild: Isa yun sa mga jumping songwriting sessions. Yung jumping, yun yung pag may nasulat ka na meloday with a line kaagad. Yung parang tatalon ka sa saya. Isa siya sa ganun, pero simple lang siya. Yun nga, yung simple yung magaganda.

Badjao: I like it.


I'm A Butterfly

Zild: Siya halos gumawa nyan eh. Yung arreglo, pati yung bass line siya gumawa. Ni-reuse ko lang yung lyrics nun, yung mga verses. Sa ibang kanta dapat yun eh. Para sa 'In My Prison' dapat siya. Pero hindi siya nag-work out. Nasa Laguna yata kami nun. Dun na na-buo. Medyo nakinig kami ng mga Tame Impala [songs]. Biglang sinend niya sakin yung demo nun.

Blaster: [Galing] Garage Band pa yung sakin. Inulit pa ulit yung second demo sa Logic na.

Zild: Identity Crisis song.

Badjao: Ano ba ginawa natin nun? Nahirapan ako dun eh.

Blaster: Sa recording session, parang hindi pa familiar si Badjao. Nasa studio na kami…

Badjao: Narinig ko lang yung song, nandun na kami sa studio. “Eto pala yung kanta!” Yung araw na yun, yun lang. Wala kaming baon na ibang song. Yun lang yung kailangan namin gawin, so nahirapan ako dahil hindi ko pa siya alam. Pero naintindiahn ko naman yung idea ni Blaster, kaya pina-gets muna nila sakin. Medyo matagal lang bago ko nakuha. Nung inupuan ko na, okay na.

Blaster: Iniwan namin siya…

Badjao: Pag-nagrerecord ako, ayoko sila nandun. Gusto ko nasa labas sila.

Bandwagon: Separate kayo palagi?

Blaster: Hindi, pag drums lang. Ayaw niya. Yun yung semi-rule sa studio.

Badjao: Dapat nasa labas nila.

Zild: Pag 80% [done], dun kami papasok. Pag patapos na.

Badjao: Gusto ko pag patapos na kasi pag nagrerecord ako, tapos makikita mo yung faces nila. Nag-mmake face sila. Sobra tuloy naco-conscious ako. Hindi ko alam kung okay ba, o ano. Eh dapat diba, pag nag-record ka, yun yung purest form mo ng sarili mo na dapat ikaw yun. Wala kang taong ibang iniisip dun. Kaya inaalis ko sila.

Blaster: Tapos pag balik namin, o yun na yun? Edi wala nang mag make face. Game na!

Badjao: Kaya pag may sasabihin sila, gusto ko sabihin nila. Gusto ko honest din sila kung hindi okay.

Blaster: Pero pinapatapos muna namin, hindi yung during… Nakakainis yun eh.

Zild: Parang ano lang yan eh, pag nag-luluto ka ng adobo. Wala pa yung toyo, [sasabihin mo] “Parang hindi masarap.” Kaya hinahayaan muna namin maluto yung potahe.

Blaster: Tsaka na yung tweaking.

Badjao: Sabihin nila sakin yung tweak na gusto nila.

Blaster: Tapos lalabas ulit kami!

Zild: Isa yan sa mga kanta na kung audience ako, yan yung gusto kong style of writing. Kasi medyo hindi siya naiintindihan kaagad. Medyos surreal siya, in the sense na hindi rin. Kasi diba, bakit ka butterfly? Pati yung verses, naalala ko, may fan kami na nagbigay sa akin ng libro - The Great Gatsby. Pag may magagandang words, sinusulat ko. Kaya dun na din napasok yung mga words, kunwari yung, extemporizing, mga hindi malinaw sa akin noon. Tuwang tuwa ako sa fan na yun. So may part sila sa album na ito. Sa Iligan yun. Sa Mindanao pa yun. Tapos may notes pa siya, may mga highlighted parts pa [sa book]. Kasi nabasa na niya. So yung mga naka-highlight, yun yung mga tinutukan ko. Tapos ineexplain niya bakit ganito yung nangyayari sa part na ‘to.

Bandwagon: I hope your fan reads this!

Zild: Sana nga eh! … Tapos biglang may drum solo sa dulo.

Badjao: Paano ba nangyari yun? Hindi ko rin alam eh.

Zild: Gusto ko ng drum solo sa album eh. Kasi sayang, ang galing niya (gestures to Badjao) So dun pinasok yun. Naisip namin, paano kung may drum solo tapos may mga lumilipad na butterfly? Parang yun yung escape niya from his cocoon. Something like that. Homemade cage. Tapos napunta na kami sa next song…


I Ain't Perfect

Zild: Silang dalawa yan (points to Blaster and Badjao).

Badjao: Tagal na nyan… early 2017

Blaster: Galing kami sa breakup pareho. Parehong-pareho kami ng state kaya parang “Magsama tayo!”

Badjao: Nag-sama kami, isang araw lang yata. Yun na yung lumabas.

Blaster: Yan yung nag-songwriting kami tapos sabi ko, “Dito sa kwarto, pag mag songwriting tayo dapat patay ilaw.”

Badjao: Pinapatay ko naman! Sunset nyan eh.

Blaster: Hanggang ginabi!

Badjao: First time ko magsulat nyan.

Blaster: Ito yung first song na nag-songwriting si Badjao. Pareho talaga kami ng state.

Badjao: Kaya pag may idea siya na binibigay, natatapos ko yung sentence niya. Natatapos ko yung gusto nya sabihin.

Zild: Ako tulog lang sa bahay.

Badjao: May melody si Blaster, tulad ng chorus. Nag-fill in the blanks lang kami. Kaya ang bilis lang. Tapos iniwan namin yang kantang yan.

Blaster: Yun kasi yung panahon na ang layo pa ng sound namin. “Imposible ‘tong ma-release.” Masyado pang maaga.

Zild: Masyado pa kaming funky noon eh.

Blaster: Isa siya sa songs na muntik na hindi masama sa album. Tapos nasama siya.

Zild: Favorite ko diyan yung vocoder part eh.

Take That Man

Badjao: Yan ang matagal na! 2014?

Bandwagon: Is this the oldest song on the album?

Blaster: Yan siguro.

Zild: Wait lang tignan ko nga (scrolls through his phone).

Blaster: Yan siguro. Kasi naalaka ko, tinutugtog namin siya sa Route 196. The Benjamins palang yung Ben&Ben nun! Dalawa palang sila!

Zild: Kami apat!

Badjao: Apat, tatlo. Ngayon, two to nine.

Blaster: Una kong kita sa kanila, short hair pa yung Benjamins nung panahon na yun. Kaya yung medyo nakilala ko na sila, long hair na! Inisip ko, “Parang pamilyar to ah!” Long hair na kaya hindi ko alam. Tapos naging friends na kami, ayun sila nga yun.

Zild: Una nanganak diyan yung bassline. Tapos pinakita ko kay Badjao sa church. Churchmates kasi kami. *sings melody*

Badjao: Lagi siya ganun. Pag communion, diba tahimik? May maririnig ka bigla (sings melody).

Zild: Naka-smile lang ako sa kanya. “Mamaya gawin natin ‘to!”

Badjao: Communion so lahat tahimik. Tapos si Zild, gigil na gigil.

Zild: Pero naka-off yung volume.

Badjao: Pero naririnig mo yung bakal! (stomps foot) Ganyan yan. Kahit sa 'Hey Barbara,' 'Where Have You Been, My Disco?' It’s either communion or tithes and offerings. Basta pag tahimik! Prinesent nya yan sakin.

Zild: Tapos yun na. (sings drum beats) Ilang minutes siyang tuloy-tuloy pero wala pang song.

Badjao: Okay siya sa pakiramdam kaya alam na namin na okay na yun.

Zild: Sa malaking notebook yun nasulat eh. Dun din yung notebook yung 'Mundo.' Ano lang siya, teenage selos. “Sayo na yan! Take that man!” Sa una, sa verse, parang gumagawa kayo ng sarili niyong mundo. “Living in a world with nobody else.”

Badjao: Kahit ano sabihin tungkol sa inyo, hindi ninyo naririnig kasi iba naman mundo niyo.

Zild: Pero nag-iba. Sinusulat ko yung pre-chorus. Nagka-event na nagkaroon ako ng hatred… jealousy.

Blaster: TEENAGE ANGST!

Zild: Oo! Tapos gumanun na yung mata ko. (narrows eyes) “Take that man and I can let you go and do without you!” Tapos punta na kami sa Marikina. “‘Ter! Gawan mo ‘to gitara!” (sings guitar solo)

Blaster: Support pa naman ako sa mga ganyan (laughs).

Zild: Isa din yan sa mga kanta na may guitar solo na pinag-isipan talaga.

Blaster: Super pinag-isipan yan.

Zild: Yun yung every time na may tutugtugin, may gigil siya.

Bandwagon: How much has changed from the original?

Blaster: Wala masyado. Yung bridge lang.

Zild: Intricacy lang.

Badjao: Attention to detail.

Zild: Sa songwriting wala masyado. May kanta kaming tinutogtog dati, 'Wednesday Night.' Since hindi na siya magagamit, kinuha ko yung chorus.

Blaster: Nialagay siya sa 'Take That Man.'

Zild: Nilagyan ko lang ng synths, para kunwari modern. A millennial wants synths! Without synths, it’s not relevant daw. JOKE LANG!!! Para proportioned lang din sa sound ng album, para hindi siya malayo masyado.

Badjao: Hindi siya all rock.


Captivated

Blaster: 2016. Yan yung unang kantang nasulat ko - ever. Kung ano siya ngayon, yun na siya dati.

Zild: Walang nag-bago. Nawala ko na yung recording file, kaya ni-record ulit namin. Ginaya lang yung ni-record dati.

Badjao: Kaya hindi dapat papasok yung 'I Ain’t Perfect,' kasi dalawa yung acoustic.

Zild: Ako kasama ni Brian nun. “Zild, ano sa tingin mo? Dalawa yung acoustic.” Sabi ko, “Kuya, tanungin mo sila.” Buti na-push nila. Sayang, first album naman.

Blaster: 2016. In love na in love ako. Wow, in love ako! First song ever! Ganadong ganado.

Zild: Tapos proud na proud naman ako! “O, nagsusulat ka na!” Sinend ko na kela Badjao, soundtrip na.

Badjao: Nung sinend nila sa sakin, akala ko papa-ibahin pa nila. Sabi ko, “Hindi, yan na yun!”

Blaster: It’s a love song.


I Would Rather Live Alone (I'm Not Who I'm Today)

Badjao: Yan yung last song na ni-record.

Zild: Ah, oo nga! Kasi hindi naman song yung 'CLAPCLAPCLAP!'

Badjao: Pinarinig 'to ni Zild samin, patapos na. Nag-rerecord ng isang song. May pinarinig si Zild na idea.

Zild: Sinend ko na kay Kuya Bri ulit yan. “Kuya, baka may mapakinggan ka na okay dito sa mga ito.” Di ko din siya maintdihan eh, yung ugali ng kanta. Kasi sinasabi nya “break my heart” pero “don’t break my heart” More of yung pain yung gusto mo, ayaw mo maramdaman pero yun yung gusto mo kasi yun lang yung nakakapagparamdam sa'yo ng something. Parang na-adik ka sa pain na yun. Since wala kang nararamdaman, nakakaramdam ka lang sa pain. Kaya aantayin mo lang lagi dumating. Medyo inspired din siya ng mga year 2000 songs - My Chemical Romance, Jet.

Badjao: Eto din yung pinakamabilis.

Zild: 30 minutes lang yata yung drums niyan!


Learn more about IV Of Spades' songwriting process for CLAPCLAPCLAP! with Bandwagon's cover story on the rock trio.


Special thanks to Warner Music Philippines.

Interview by Kara Bodegon and Camille Castillo

Photography by Iya Forbes