It's been a bright year for Munimuni, and things are just about to get more brighter for them this December.
The world has been a little more colorful since July when the Filipino "makata pop" quintet painted the streets with new music from their first full-length album Kulayan Natin via Marilag Records. Since then they've shared the stage with The Japanese House at Karpos Live Mix 7, appeared on the Eraserheads' Pop Machine compilation album, and bagged two nominations at the 5th Wish 107.5 Music Awards.
Ahead of their upcoming major concert in support of Kulayan Natin, Bandwagon caught up with Munimuni to talk about the stories behind the tracks from their debut record.
'Simula'
BANDWAGON TV
Adj: Isa to sa mga pinakamatandang kanta ng Munimuni. Noong 2014, nag-record kami ng demo EP at kasama ang 'Simula.' Since then, decided na kami na ipangalan ang una naming EP na Simula EP.
Pero noong nagdedesisyon na kami kung ano ang mga isasamang kanta sa Simula EP, hindi namin siya sinama, kasi wala lang. Trivia aside, isa itong kanta na nakakapagbigay ng pag-asa sa mga taong tulad namin na nadidiscourage din sa mga pangyayari sa buhay. Ika nga, "walang galamay ang kahapon."
Owen: Ito yung awit na una kong nagustuhan sa kanta namin noong hindi pa namin naiisip gumawa ng EP. Pinaalalahanan ako na lilipas din ang mga problemang kinahaharap ko noon.
Jolo: Favorite line ko sa lahat ng songs namin, "walang galamay ang kahapon."
Josh: May mga songs sa album na si Red Calayan (former drummer) ang gumawa ng drum parts, hindi pa ako yung drummer nung nagawa tong song na 'to. Isa to sa mga kantang ang hirap tugtugin live. Sobrang nakakalito (laughs). Ang masasabi ko lang ang galing ni Red gumawa ng parts, guys.
TJ: Nasulat ito sa panahon na medyo hindi okay ang lahat. Pero tulad ng sabi sa kanta, "Darating ang araw na kakalimutan din natin ang lahat; tatawanan din natin ang lahat." Tapos ngayon na iniisip ko yung panahon na 'yon, parang medyo kaya ko na ngang tawanan.
'Bakunawa'
Adj: Nakuha ko yung pamagat ng kantang to sa isang lumang kwento. Si Bakunawa kasi ay yung parang dragon sa Philippine mythology. Sinusubukan niyang kainin ang buwan, kaya daw may lunar eclipse. Tapos yung ending lagi ng kwento ay magbubuklod-buklod ang mga tao at gagawa ng malakas na ingay para mapaalis si Bakunawa.
Yung eclipse, naging representasyon siya sa akin ng mga panahon na malungkot ako. Kumbaga parang may umaagaw sa liwanag. Honestly ang hirap tapusin ng kantang ito, buti na lang nabigyan ng dati naming drummer na si Red ng ending na may pag-asa pa rin; "balang araw iluluwa rin ang buwan, babalik ang liwanag ng nakaraan."
Jolo: Ang saya tugtugin nito. Ito ata favorite ko tugtugin na song namin live kasi sobrang good vibes lalo na yung guitar parts ni TJ sa second verse.
Josh: Ang sarap tugtugin. Eto siguro yung pinaka-groovy na song sa album. Sa second verse kung papakinggan niyo nang maigi, meron kayong maririnig dun na mga nagpupukpok ng mga kaldero at kung ano man. Sa part na yun yung tinatry ng mga tao paalisin si Bakunawa gamit yung mga ingay, tulad ng sabi ni Adj.
TJ: Favorite ko yung guitar lines ko dito! Saya eh.
'Oras'
Adj: Isang kanta na galing sa isang mahabang writer’s block. Nakaka-overwhelm ang buhay minsan, tapos parang walang naa-accomplish lahat ng pagpupursige sa trabaho, pagbabanda, at sa lahat na ng aspeto ng buhay. Kaya ayon, nasimulan ang kantang ito dahil sa frustration, natapos siya dahil nakahanap ako ng konting pahinga habang umaakyat ng bundok kung saan may sea of clouds.
Minsan kailangan lang in talaga natin ng pahinga.
Owen: Favorite lyric video ko yung first release nitong kantang ito as a single.
Jolo: May vocal parts ako dito share ko lang. Yung vocal parts bass pa din.
Josh: Relate ako sa tila batang makulit." Sorry na, Ma.
TJ: Masasabi kong medyo underrated yung song na ito, at di ko maintindihan bakit. Kasi sobrang natuwa kami sa paggawa ng parts. At least, ako oo, (laughs). Isa sa mga pinaka instrumentally challenging songs namin. At ang ganda ng mensahe!
'Bahay na Puti'
Adj: Tuwing tinutugtog namin itong kantang to, lagi kong naaalala na ang dami nga pala naming pinagdaanang mabigat sa mga personal na buhay namin ngayong taon. Somehow nandito pa rin kami.
Owen: Bigat sa hart.
Jolo: Ang lakas ng tama sakin ng song na to. Ramdam na ramdam ko bawat salitang sulat ni TJ. Ito siguro yung song sa album na may pinaka simpleng areglo pero sobrang lakas ng impact sa akin. Habang nag bi-build up yung song sa bridge yung luha ko sa mata nag bi-build up din eh.
TJ: Mahaba at malalim yung history ng song. Pero long story short, sinulat ko yung lyrics sa ospital nung nabalitaan namin na wala na pala Lola namin. Nung memorial service niya, yun yung una ko itong tinugtog. A few days later, sumunod sa kanya yung Lolo ko, at tinugtog ko rin ito sa service niya.
Inintroduce ko yung song sa band nung nagrerecord na kami for the album, that was a few months after. But before we even got to release this, my dad passed away, and so I also sang this for him. Yun yung pinaka mabigat na time na pinerform ko yung song, and now whenever we sing it, I find myself going back to that day. This song means so much to me and my family. It's about the hope that our loved ones still live on, even after their brief time here on earth.
'Tahanan'
Adj: Ito yung first single na nirelease namin mula sa album, at isa siya sa mga kanta na ang laki ng value-added sa buhay ko, kasi paalala siya sa akin na okay lang maging tao.
Owen: Sa tuwing tinatanghal namin ito nang live, ang daming nangyayari tuwing humihinto kami. May mga taong natatawa o pinagtatawanan yung moment kasi awkward pero may mga tao rin na matiyagang naghihintay sa pagkakataon. Sa mga saglit na iyon natutuwa ako kasi nakikita natin kahit paano ang isip ng isang taong may mental illness. May mga taong ‘di ka maiintindihan at pagtatawanan ka pero marami pa ring tao na sasama sayong maghintay sa pagkakataong makalaya ka o kayo sa pighating dulot ng mundo. Ang awit na ito ay paalala sa pag-ibig na buhay.
Jolo: Ang kantang 'to ay isang mahigpit at malaking yakap.
Josh: Na-realize ko na minsan kailangan mo lang marinig na may nagmamahal sayo at meron kang pwedeng uwian na tahanan.
TJ: Hintayin...
'Solomon'
Adj: Laking tuwa namin na pumayag si Clara na mag-collab para sa kantang to. Hindi naman siya talaga originally intended na maging duet, pero nagmake-sense sa amin noong nagkaroon kami ng opportunity for collaboration with her.
Owen: Ay, kinilig.
Jolo: Kaya ko kantahin parts ni Clara SKL ko lang.
Josh: Ang pagtibooDUGDUG ng aaatiDUGDUG puuuDUGDUG DUGDUG DUG.
TJ: Japan. Late Spring. Tumutubo na uli yung mga dahon sa mga puno nung nasulat ito.
'Pagsibol'
Adj: My personal favorite from the album! Ang hirap pero ang fulfilling ng process ng pag-arrange at pag-record nito. Nag-enjoy kami putting all the parts together. Pansinin niyo yung mga maliliit na detalye please (laughs).
Owen: Ang hirap kantahin nito. Bakit ko ba sinulat to (laughs)? Dapat hindi ito yung isa pang kantang sinulat ko na iirerelease. May isa pa before ko ito nasulat. Pero habang nag-uusap kami at finafinalize yung songs sa nailalagay sa album, naisip kong mas bagay ito kaysa dun sa isa (laughs).
Jolo: Hirap na hirap ako sa song na 'to. Naka ilang sessions din kami sa pagbuo nito kaya ang fulfilling ng buong process. Konti konti namin nakita ang pagsibol ng kanta. Ang ganda.
TJ: "Paglalakbay tungo sa'yo; ang tanging hangad ko; sa bawat pagsikat ng araw sa buhay ko; O, paano?" Paano nga ba?
'Bawat Piyesa'
Adj: Isa sa mga kantang confident kaming tugtugin sa mga prom, ball, gala night, etc. (laughs). Kahit na nakakapagod siyang i-perform.
Owen: Nakakahingal. Try niyo sabayan hinga ko
Jolo: Counterpart ng ‘Sa Hindi Pag-Alala’?
Josh: Nakailang take ako sa song na 'to nung nirerecord namin.
TJ: Ang dami na kasing taong nawala sa buhay ko. Kaya nasulat ko 'to kasi nakakatakot nang may mawala pa. Sana laging andyan na lang sila, habambuhay. Sana 'wag ka nang mawawala.
'Kalachuchi'
Adj: Na-enjoy ko yung pag-arrange nito kasi ang daming available na imagery galing sa mga metaphor na galing sa kanta. We try our best to communicate these sa bawat instrumento.
Owen: KA-LA-CHU-CHI KA-LA-CHU-CHI!
Jolo: Parang rollercoaster tong song na to. Sumasayaw sayaw ka lang sa una hanggang sa lumutang ka sa pagod. Next thing you know nagwawala ka na. At sa dulo ng lahat, pahinga.
Josh: Sobrang nachallenge ako noong inaarrange namin tong song na to. Bawat section ng song maririnig niyo sa mga instrumento yung gustong sabihin nung kanta. Mahirap oo, lalo ng nung sinabi ni TJ na magwala daw ako sa last part nung bridge. First time kong gawin yun sa isang song (laughs).
TJ: Ang 'Kalachuchi.' Isang bulaklak na namumukadkad kahit na mahirap ang panahon.
'Banaag'
Adj: May mga nagtatanong kung sino daw ba yung babaeng boses dito. Wala po! (cries in falsetto)
Owen: Naiisip ko lang dito lagi na image ay sunset. Hindi ko alam kung bakit.
Jolo: My comfort song.
TJ: Favorite lyrics na nasulat ko so far! Namnamin sana ang bridge.
'Kulayan Natin'
Adj: Imagine mo naglalakad kayo ng taong mahal mo sa buhay sa isang black-and-white na mundo, tapos unti-unting nagkakakulay yung mundo. Cute di ba? Kaso parang hindi siya realistic. Kaya naisip ko, parang mas maganda kung naglalakad kayong dalawa sa black-and-white na mundo, tapos kinukulayan niyo ito. So ayun, naisipan kong magsulat ng kanta tungkol sa isang active na pag-ibig, na may purpose na mas malaki kesa sa mga taong nagmamahal.
Owen: Sana maging theme song ito ng mga kindergarten pupils. Cute, cute. Color, color.
Jolo: Dito naglabasan creative juices namin, umapaw pa ata (laughs)! Originally hindi siya ganun kahaba sinulat pero umabot ng ten minutes nung inarrange namin. Hirap na hirap kami nung first few sessions but then we found ourselves on the same page tapos nagflow na lang eh.
Josh: Isa 'to sa mga pinaka challenging na gawan ng parts sa buong album. May nabasa ako somewhere, 'di ko na maalala saan ko nabasa yun, na yung drums ay ginagamit talaga sa war noon para magrally ng mga tao, magdirect at magcommand. Maririnig niyo sa second half nung song na pagpasok mismo ng drums, dun din pumasok yung mga boses. Yung meaning nun para sakin ay nirarally ko yung mga tao para magsimula nang magkulay, sinasabi ko dun gamit yung drums na "tara na, galaw na tayo!"
TJ: Tuwing tinutugtog namin 'to naaalala ko yung mga pelikula ni Hayao Miyazaki. Kasi parang ganun din tema niya. Celebration of life! Yung may mga lumilipad-lipad tas maraming nature-nature.
Limited physical copies of Kulayan Natin will be available starting October 1 via the Jess and Pat's online store. Get early access via their Patreon account. Sign up here.
Like what you read? Show our writer some love!
3