Latest on Instagram

Unique Salonga's Pangalan: A track-by-track guide by sound engineer Emil Dela Rosa

Unique Salonga's Pangalan: A track-by-track guide by sound engineer Emil Dela Rosa

Estimated:  reading

Unique Salonga's second full-length offering Pangalan takes a deeper look into the strange and colorful mind of the 19-year-old artist.

While Unique is credited as writer, producer, and arranger for his latest album under O/C Records, this 8-track record wouldn't be what it is now without Divino Dayacap (piano, percs), Emil Dela Rosa (bass), and Ghabby Gee (drums). They all pitched in ideas to help tighten the album, even with a little cowbell and a pinch of feelings.

Bandwagon caught up with recording engineer Emil Dela Rosa, who also mixed and mastered Pangalan and Grandma, to talk about the songwriting and recording process behind Unique's latest studio record.

BANDWAGON TV


'Korporasyon'

Planado yung sequence ng tracks kaya dapat dito talaga mag-umpisa kung papakinggan ng buo yung record. Parang introduction siya na maraming synth at production elements sa mga susunod na kanta. Yung naiisip ko pag naririnig ko to parang umpisa ng pelikula o musical.

Ito lang din yung track na hindi acoustic drums. Yung gamit namin, kaya medyo challenging kung pa'no ibabagay sa ibang kanta nung nag-mimix na kami.


'Dambuhala'

Pinakariff-y na kanta bukod sa 'Lamang Lupa.' Masaya i-record pero nakakangawit.

May mga sinubukan kaming tunog para mas magmukhang pang higante tsaka mayabang yung dating. May low octave na vocals kasabay ng main vocals tapos yung drums puro floor tom lang. Pinaisipan din namin kay Ghabby ng ibang drum parts pero nag-stick na lang kami sa mas simple.

Trip ko rin yung outro nito kasi nakikinig din ako ng metal music, may pagkaganong vibe siya tapos biglang pasok ng 'Bukod-Tangi'.


'Bukod-Tangi'

Unang kantang ni-record kasabay ng 'Lamang Lupa.' Nakatambay kami kila Unique tapos tinugtog niya yung mga bagong kanta para sa 2nd album. Nagandahan kami sa mga bali ng chords sa chorus pero ang lungkot ng lyrics kaya akala ko mabagal na kanta. Nung nag-demo na siya ang upbeat nung kinalabasan. Malungkot na quirky.

Simple lang yung kanta, mas nakafocus sa melody at lyrics. 'Yung mga percs lahat galing sa software pero yung cowbell nirecord ni Divino with feelings.


'Lamang Lupa'

Unang single ng album. Pagkatapos ng Grandma nag-uusap na rin kami kung ano gagawin para sa 2nd album, medyo iba-iba pa 'yung pinapakinggan. Dito ko nagets 'yung gustong niyang direksyon para sa album nung pinarinig na niya samin 'yung demo ng 'Lamang Lupa.' Mas experimental, mas perfectionist pag dating sa recording. Malayo sa Grandma na medyo nangangapa pa kami.

Ito rin 'yung panahon na madami agad siyang nasulat na kanta. Parang halos kalahati ng record may lyrics at melody na.


'Delubyo'

Parang 'Korporasyon' sinend na lang din sa'kin to ni Unique. Experimental na collage ng iba't-ibang tunog.


'Mga Katulad Mo'

Favorite ko pag live, laging first song ng set. Ang ganda rin nung nakuha naming drum sound dito, gamit namin 'yung steel snare ni Ghabby na may wood hoops. Saktong sakto para sa kanta. 

Nakakatawa rin minsan pag namimili si Unique ng tunog kasi binabase niya sa pangalan ng synth patch. Parang sa 'Bukod-Tangi,' may synth dun na Innocence yung pangalan tapos sa 'Pahinga' may patch na Rainbow On The Moon.


'Pahinga'

Last track na nirecord namin para sa album. Nag patulong si Unique kay Divino mag-dagdag ng variation sa ibang section, madalas kasi tinetenga lang niya pag gumagawa siya ng piano parts. May mga dinagdag si Divino para mas maging tunog lullaby.

Bagong renovate din 'yung studio kaya excited kami mag-record nito.

Sa sobrang chill nung kanta tinulugan kami ni Kit, pinsan ni Unique, habang nagrerecord (laughs). Madalas din kasi gabi na kami nagsstart ng recording session hanggang madaling araw. 


'Huwag Ka Sanang Magagalit'

Unang version na sinend ni Unique nito wala pang chorus, 'yung chorus dati 'yung pre-chorus na section na "Lagi lang tal'gang" pero ang ganda kasi nung build up niya kaya nag-suggest kami na dagdagan ng chorus. Sakto naka-isip rin si Unique ng magandang melody tsaka lyrics.

Ilang oras namin tinake 'yung intro guitar riff kasi hinahanap namin 'yung tamang feel. Pag maluwag kasi areglo ng kanta dapat mas bigyan ng atensyon 'yung maliliit na detalye. Halos buong album simple lang 'yung parts, pero matagal namin nirerecord.