Latest on Instagram

Unique Salonga's 'Daisy': a track-by-track guide

Unique Salonga's 'Daisy': a track-by-track guide

Estimated:  reading

Unique Salonga has cleared his mind and now sees the world in a different light with his third studio album Daisy.

Created with thoughtfully selected sounds, Daisy comes as the Filipino singer-songwriter's follow-up to 2020's PANGALAN:, and strays away from his sophomore album's electronic tones and wacky dance moves. Between now and his 'Bukod-Tangi' days, Unique experimented with combining sound and visual arts at his exhibit, Oblivion.

"Kakaibang experience din at bagong bago sa ‘kin. nakapaghanap ako ng ibang outlet bukod sa music," he tells Bandwagon in an interview, explaining what it was like mounting the audio-visual exhibit. Through Oblivion, Unique discovered the power of clarity. He says, "Nakatulong siya sa kin kasi na-clear yung utak ko at mas nagkaro’n ako ng mas fresh na perspective."

BANDWAGON TV

Unique has found a quieter version of himself, yet continues to embrace a wholeheartedness in his lyrics as he always had. Daisy is simplicity. Daisy is love and peace. Daisy is Unique.

Bandwagon caught up with Unique to give us a rundown on the tracks off Daisy.


Daisy

Naglagay ako ng intro para mag-set ng mood bago mag-run ‘yung buong album. Gumawa naman ako ng reprise para magkaro’n ng bagong interpretation ‘yung mga nakikinig after nilang mapakinggan lahat. Heto na ‘yung part na magsisimula na silang mag-contemplate.

Haring Araw

Nasimulan ko ‘tong isulat noong mga panahong mas lumalamang na ‘yung pagiging optimistic ko kapag may mga hindi magagandang nangyayari sa buhay ko. Gusto ko ring ipakita rito ‘yung transition mula kadiliman hanggang liwanag. Para ‘to sa mga nakikinig sa ‘kin na naghahanap ng makakapitan kapag nilalamon na sila sa mga problema nila.

Away-Bati

Naging inspirasyon ko rito ‘yung sitwasyon palagi ng mga naghahanap ng peace of mind sa isang toxic relationship na madalas kong nakikita sa mga pelikula. Ang sarap lang ding gawing “quirky” or “fun” minsan ‘yung mga gano’ng klaseng tema na palaging seryoso ‘yung approach.

‘Di Mapalagay

Nasulat ko ‘to dahil sa girlfriend ko ngayon. ‘Yung mga panahon na magkaibigan pa lang kami, madalas kaming nagkikita. Siyempre, palaging excited ‘yung feeling. Palaging may paru-paro sa tiyan. Doon nabuo ‘yung kanta. Gusto kong ipakita rito ‘yung pure na happiness kapag alam mong may paparating na espesyal na tao sa buhay mo.

Panahon

Tungkol naman ‘to sa isang cold relationship na unti-unti nang nawawalan ng saysay. Heto ‘yung pinaka-favorite kong track sa album kasi pagdating sa arrangement, dito ko talaga ibinuhos lahat ng energy ko at tamang tama ‘yung inexpect ko sa naging outcome. Sa kantang ‘to ako pinaka na-satisfy.  

Kabanata

About ito sa isang character na ang tingin niya sa sarili niya ay masamang tao. Kaya ang way niya para ipakita ‘yung love sa partner niya ay ‘yung iwan niya ito. Bagay na bagay ‘yung track na ‘to para i-end ‘yung album.


Interview by Camille Castillo